
Seniors' Retreat. January 29-30, 2008. Mater Ecclesiae.
Pictorial ng mga banal. ^___^
Alas singko trenta y kwatro ng hapon nang may isang gwapong lalakeng bumaba sa pangpasaherong jeep biyaheng Sabang-Naga. Mainit ang pahanon. Walang sign ng ulan. Pero masahol pa sa binuhusan ng tubig
Ako yun. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng pedecab habang lahat ay nakatikin, nagtataka kung bakit nga ba ako basang basa. Malas kasi akong tao. Hindi naman ako nag-attend ng basaan sa fiesta ng
Nagsimula ang lahat sa isang buwang pangungubinsi (aka pangungulit) sa akin ni mama na mag-take ng civil service exam. Naririndi na ako kaya napagpasyahan kong gawin ko na para matigil na ang araw araw na pagpapaalala ng importansya ng nakapasa sa exam. Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas kwatro ng umaga. Masyado akong mabilis maligo at kumain kaya dumating ako sa Pili mga 8am. Lang ‘ya. Dami ng tao!! Pero nagtyaga parin ako. Last day na day kasi yun ng filing ng application sa exam. Ang application ay isa sa mga salitang mahirap tagalugin.
Mainit ang sikat nang araw. Sobrang init na natuyo kaagad ang pantalon kong naihian ko nung jumingle ako sa likod ng building ng CSC. Di nagtagal, sampung tao na lang (oo, maliit na ang sampu!) turn ko na. Pero biglang nagtext ang gagong Louie (klasmeyt ko) nagreremind sa 10am naming advance class. Malapit nang mag-ten kaya napagpasyahan kong iwan ang pila at tuluyan nang manghinayang.
Manghinayang. Sobrang hinayang. Pagdating ko sa Ateneo, apat pa lang kami sa klase. Wala si Louie. At higit sa lahat, nag-announce si Sir na walang PASOK !!Whaaaa !!! Uto-uto ako. Hay.
Napagpasya akong humiram ng Noli Me Tangere at El Fili ni Rizal sa Roco Library (wow genius!). Nagpapicture na din ako ng passport size na picture. Pinagpipilitan ko kasi na pwede ang 2x2. “Ayos nga mas malaki.” Pero alam kong hindi uubra sa kasungitan ng CSC officers ang kakulitan at kagaguhan ko. Naglunch ako sa office ni mama at nag-share ng aking sinapit… ang pagsu-sun bathing ko sa harap ng CSC at ang pagkatuwa ko sa weird na service ng civil service.
Kinahapunan, hinatid ako ni paderes sa padevelopan ng picture. Malas talaga. Maling size ang naprint. Ang resulta? Naghintay ako ng 2 oras para maprint na nang tama. Hay. Sobra kasing knowledgeable ang tagapicture sa kung anu ang dapat na picture para magapply sa civil service (rejected din kasi siguro siya).
Alas tres na ng makarating ako sa Pili. Doble ang kapal ng tao kesa kinaumagahan. Malas. Nakisiksikan ako at nagpretend na matagal na akong naghihintay doon. May number na pala na pasunod sunod (aba improving ang systema; palibhasa may nagsuntukan para sa linya bago ako dumating… stunned pa ang mga tao kaya hindi napansin ang arrival ko..haha). Nagclaim ako na number 84 ako, gumawa ng sariling number tag na kahawig ng tags nila. Salamat sa pentel pen na nadekwat ko sa SSG office nung topic head ako ng Alternative Class Program sa Ateneo.
Biglang umulan. Malakas na malakas. Yung tipong sobrang lakas. As in malakas.
Basang sisiw ako. Kawawa. Basa ang paboritong libro ni hudas ni pareng Bob Ong. Pero nagchaga ako. Kahit na mag-aalas singko na number 45 pa lang ang tinatawag. Buti na lang kahit basa ay may kumausap pa sakin (naawa lang siguro). She saved me from boredom. Naks! Ingles yun.
Andyan din ang mga nakakatuwang tao. Halata ang mga taga-bundok dahil hindi nagsasalita at jologs pumorma. Halata ang mga may anak dahil may dalang anak. Lakas bumanat ng isang manang na inadvertise ang anak niyang babae na maganda raw at hinahanapan niya ng mapapangasawa.
Andyan din ang mga Atenistang nagpaplano kung panu makakacheat sa SRA. Ang mga taga
Sa wakas, unti-unti nang umaalis ang mga tao. Paubos na kasi ang mga jeep pa-Goa at Legaspi kaya wala na silang masasakyan.
At diyan natapos ang araw ko. Walang kwenta. Nanood na lang sana ko sa bahay ng One Tree Hill o kya nagworship kay Bob Ong sa book niyang kahihiram ko lang. Natulog na lang sana ko. Nagrelax at nagbasa ng Rich Dad Poor Dad ni Donna. Pero wala eh. Umuwi ako na pinagtatawanan dahil basa ako. Ano kaya ang nakakatawa dun?
Badtrip talaga ako. Pero ayus lang. Kahit papano, nag-enjoy naman ako. At madami akong natutunan at narealize. Ang ilan kasi dito ay akala ko di na kailangan pang pag-isipan, pero kelangan pa pala. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: